Psalms 149:1-8 TGLULB - Bible AI

1Purihin si Yahweh! Umawit ng bagong awit para kay Yahweh; purihin siya sa pagtitipon ng mga tapat!

2Hayaang magdiwang ang Israel sa kaniya na ginawa silang isang bayan; magdiwang ang mga mamamayan ng Sion sa kanilang hari.

3Purihin nila ang kaniyang pangalan na may sayawan; umawit sila ng papuri sa kaniya nang may tamburin at alpa.

4Dahil nasisiyahan si Yahweh sa kaniyang bayan; dinadakila niya ang mapagkumbaba ng kaligtasan.

5Magdiwang ang mga maka-diyos sa tagumpay; umawit sila sa galak sa kanilang mga higaan.

6Nawa mamutawi sa kanilang mga bibig ang mga papuri para sa Diyos at sa kanilang kamay, isang espadang may magkabilang-talim,

7para maghiganti sa mga bayan at parusahan ang mga tao.

8Igagapos nila ang mga hari sa kadena at ang mararangya sa mga bakal na posas.